Advertisers

Advertisers

Recording Artist-Award Winning Host Jules Graeser, Contender Sa 2025 GRAMMY AWARDS; Bida Sa “ADIK” Na Si Kevin Poblacion Manager Na Ng Philippine Airlines Vancouver International Airport

0 36

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

SI Jules Graeser ang klase ng host at artist performer na hindi maluluma. Pano he is a very talented artist na very entertaining once na sumampa na sa stage. He has a good PR also na masarap kasama at katrabaho. Kumbaga kahit na isa na siyang ganap na recording artist na ang dalawang magkasunod na released single na “MAARI BANG IBIGIN KA” at “KATUPARAN” na parehong nasa Karaoke na. At isang Talk show sa sariling show na Chatterbox at sa CHIME TV, Nananatiling humble and very down to earth ang Pinoy-International singer.

And wow na-acknowledge na rin si Jules ng Grammy Awards for Grammy Consideration for his first single, MAARI BANG IBIGIN KA, na nagbigay sa kanya ng ilang awards. At itong for your Grammy Consideration ni Jules ay para sa category na Best Pop Solo Performance. This amazing Pop song hit tells the story of finding love and expressing it in the most romantic way. “JULES GRAESER-A VOICE BRINGING REPRESENTATION AND DIVERSITY TO THE FOREFRONT IN THE WORLD OF MUSIC.”



So let’s vote for Jules Graeser na contender nga for Grammy na nagre-recognize sa spectacular work ng US Music Industry. Super happy and thrilled ang singer para rito. And this coming 2025 ay may big surprise si Jules to all his fans and supporters. Ire-record and remake niya ang classic hit song na nagpasikat sa ating Concert King na si Martin Nievera. Bibigyan ito ng bagong tunog. Ang bongga di ba?

***

YEAR 2017 nang gawin ng promising action and drama actor na si Kevin Poblacion ang unang pelikula na “ADIK” na siya ang pinakabida. Kevin is gwapo and very appealing kaya agad siyang napansin sa showbiz. And in terms of acting na ipinakita niya sa movie ay impressive kung saan nakasabay siya sa pag-arte sa mga beterana at respetadong actress sa industriya na sina Rosanna Roces at Ara Mina.

And for Direk Neal “Buboy” Tan na director ng Adik ay aside sa artistahin si Kevin, very professional ito na never na-late sa kanilang shooting. At mahusay rin daw itong makisama sa kanyang co-stars. Kevin is raised in Canada at dito siya nag-aral. Samantala, naka-chat ko recently lang si Madam Jean Lopez na Mom ni Kevin, ibinalita nito na nakatakdang ipalabas sa iba’t ibang schools ang Adik also in theaters in Iloilo at Davao. Yung sa mga school sa Iloilo at Davao ay approve na at mapapanood na ng mga estudyante ang Adik sa January 2025.

Naka-schedule bumalik ng Pinas from Canada si Madam Jean this December at marami siyang aasikasuihin sa movie ng anak na si Kevin na siya ang producer. And when I ask her about Kevin, kung kumusta na ito, well manager na ito ng Philippine Airlines Vancouver International Airport at maganda ang buhay nito sa Canada. But nag-promise naman daw si Kevin na once na kakailangin siya sa promo ng movie ay uuwi ito ng bansa para makapag-promote. Sayang at ayaw na raw i-pursue ni Kevin his showbiz career, nakikita namin na may future sana siya rito dahil promising siya. Nabansagan pa lang “INDIE PRINCE” ng showbiz press si Kevin. Ang titulong ito ay dating hawak ng sikat na ngayong si Coco Martin.