Advertisers

Advertisers

KYLINE MAY NATUTUNAN SA RELASYON KAY KOBE

0 37

Advertisers

Ni Beth Gelena

SA Fast Talk With Boy Abunda, ibinahagi ni Kyline Alcantara ang natutunan niyang lessons sa relationship nila ni Kobe Paras.

Sa programa ni Kuya Boy ay nag-open up ang Kapuso aktres about her breakup with Kobe and why she chose to stay silent during the controversy.

Aniya, “Kaya hindi po ako nagsalita, kasi I still have respect for him as a person despite everything that happened.”

“And sa lahat naman po ng mga tao na nasaktan ako, I will always show them grace,” dagdag pa ni Kyline.

Despite the pain, Kyline recalled her relationship with Kobe with sincerity, describing it as a “beautiful experience.”

“I felt really happy. I felt really loved. It’s just that we’re two different people. And that’s okay. And that is okay,” pakli niya.

“I’ve learned a lot of lessons in that relationship. And I will always treasure every experience or achievements po na nagawa namin dalawa.”

“I’m not gonna lie, at first there’s bitterness. But ngayon po, wala na. Kasi, again, you cannot be bothered by the things that you cannot control,” pag-amin niya.

Dalawang power lessons daw ang natutunan ni Kyline sa naging relasyon nila ni Kobe.

”Knowing your boundaries and having self-respect. Siguro ’yun po ’yung dalawang importante na natutunan po sa relationship na ’yun.”

***

JESSY AT PEANUT MAY NAUNA NANG KOMERSIYAL BAGO KAY ATE VI

SINAGOT ni Jessy Mendiola sa isang panayam ang nabanggit ng kanyang mother-in-law na si Governor Vilma Santos-Recto, ang nabanggit nito kamakailan na tila susundan na raw nila Jessy at Luis Manzano ang unica hija nilang si Peanut.

Ang reaksyon ng isa sa lead actress ng Sins of the Father, “gustung-gusto na nga nila e. Kahit si Luis, gusto na rin. Pero kung ano ang ibibigay ni Lord, okey sa akin. Kahit kelan siya dumating.. kung talagang anjan na ang pangalawang baby go…”

Pero, tila may agam-agam pa rin siya sa kanyang reaksyon.

Kasi, this year daw ay parang timely sa kanya na muling umaalagwa ang kanyang career.

Regarding naman sa commercial na gustong makasama ni Ate Vi si Peanut, tila hindi naman yata ang Star For All Seasons ang mauuna sa apo.

Nagpahaging kasi ang celebrity mom na may commercial na raw silang nagawa ni Peanut na malapit nang ipalabas.

Yun na!!!

***

KATHRYN AT JAMES TANDEM BINABASH

PAWANG negatibong komento ang natatanggap ng Dreamscape Entertainment mula nang i-announce nilang magtatambal sina Kathryn Bernardo at James Reid sa kanilang bagong proyekto, ang Elena 1944.

Una na raw nangyari ito sa Incognito noon, pero naka-survive naman ang programa kahit PR nightmare din during the promo period.”

Big factor naman daw kasi na magagaling umarte ang main cast (except RG na iisa lang ang facial expression, sa fight scenes lang bumabawi) pati ang mga guest at ibang extras kaya pumatok pa rin despite the issues.

Komento ng netizens, “May talent naman kasi sila eh si james reid ba marunong umacting?”

Maging si Kath ay pinuna rin ang acting.

“Pwede kayang iba na lang bida don sa Elena 1944. Walang kalatoy latoy acting ni Kath sa totoo lang.”

“If Kathryn doesn’t upgrade her acting skills sa Elena 1944, she’ll gradually go downhill from there.”

“Di ko pa din gets paano siya nagkaroon ng FAMAS Best Actress award para sa AVGG, ang panget ng acting niya doon, mas maganda pa acting niya sa Barcelona.”

“romcom daw yung kay James at Kathryn? parang hindi sila bagay sa ganyang genre”

“Sa Paris ang location kaya yabang-yabangan na naman fans ni Kathryn. Kathryn not beating the loveteam + international location formula truther.”

“I feel like their show may not receive the ratings they expect. I don’t know how it will be like for Kathryn and James.”