Advertisers

Advertisers

74 Chinese, 2 Myanmar nationals huli sa illegal POGO sa QC

0 21

Advertisers

ARESTADO ang 74 Chinese at dalawang Myanmar nationals sa isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO)-related facility sa Cubao, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Martes, Oktubre 13, sinalakay ng mga awtoridad ang pasilidad sa Barangay Socorro nitong Oktubre 12.
Nahuli ang mga dayuhan sa POGO-linked hub na hinihinalang ginagamit sa mga online scamming activity.
Isinagawa ang operasyon alinsunod sa mission order bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na operasyon ng POGO at pagpapatupad ng Anti-POGO Act of 2025.
Sumasailalim na sa inquest proceedings ang mga naares-tong dayuhan, at haharap sa deportation proceedings alinsunod sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas.
Ayon pa sa BI, kapag naglabas na ng deportation orders, ilalagay sila sa blacklist ng BI upang hindi na makabalik sa bansa.