Advertisers

Advertisers

Wowie de Guzman nakatulog sa pagmamaneho, bumangga sa barrier

0 22

Advertisers

NASANGKOT sa isang vehicular accident ang dancer na si Wowie de Guzman at 2 pang kasama niya sa lalawigan ng Batangas nitong Martes ng madaling araw. Bahagya itong nasu-gatan nang bumangga sa concrete barrier ang minamaneho niyang sasakyan nang makaidlip umano ito sa pagmamaneho.
Ayon sa report ng Sto. Tomas City Police, galing sina de Guzman sa isang event sa Guinayangan, Quezon. Binabagtas nila ang Maharlika Highway nang makatulog ang dancer/aktor, dahilan ng pagbangga nila sa concrete barrier sa bahagi ng Brgy. San Bartolome.
Kapwa nakaligtas naman ang mga ito at nagtamo lamang ng minor injuries. Sa ilang nakalap namang litrato ng aksidente ay kitang wasak ang harapan ng pulang kotseng sinasakyan nila.
Sa kanyang Facebook account, nagbigay ng update si de Guzman.
“Fyi guys…relax po. Thankfully ok po ako. Walang serious injury im 100% ok,” post niya nitong Oktubre 13.
“Kayang kaya na mag-warm up mamaya. Kagigising lang now dito sa Pampanga,” dagdag pa ng dancer.
Isa sa mga pinagkakaaba-lahan ni de Guzman ang pagdayo sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas para magturo ng pagsasayaw ng Zumba.
Si de Guzman ay miyembro ng Universal Motion Dancers (UMD) na namayagpag noong dekada 90.