Advertisers

Advertisers

Joshua at dyowa iniisyung nagkakalabuan

0 22

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Ang daming katkatera at sawsawera ang nag-react nang tanungin si Joshua Garcia tungkol sa estado ng kanyang puso sa isang panayam.

Sa kanyang sagot, kapansin-pansin na iniwasan niyang pag-usapan ang kanyang lovelife.



Anita:”Next question. I don’t want to answer relationship questions right now, sorry.”

Dahil sa development na ito, may mga nahihiwagaan sa kanyang tugon.



May nang-uurot na nagkakalabuan na raw sila ng girlfriend na si Emillienne Vigier.

May mga nang-iintriga namang nag-relapse na si Kuya at muling na-fall sa kanyang ex at love team partner na si Julia Barretto.



Ito ang ilang hirit ng kibitzers.

“Grabe naman si Kuya. Puwede naman niyang sagutin na “Happy, period.”

“Ay, how true na nagkakalabuan na sila ng dyowa niya?”

“Affected nga ba si Emillienne sa sobrang pa-PDA nila.Sobrang touchy kasi ni Huswa kay Julia.”

“May selos factor si Ate kay Hulya.”

“Relapse na malala ito.”

“Hiwalay na ba sila?”

“Parang may pinagdadaanan sila.”

“Sobrang touchy kasi ni Joshua kay Juls. Respeto naman sa kanyang gf.”

“Pokus lang daw sa promotion ng movie.”

“Itago muna ang relationship sa dyowa.Saka na muling pag-usapan after the promo.”

“Kailangang buhayin ang ilusyon ng kafaneyan.”

“Quiet muna raw.”

“Kung ako kay Emillienne, talagang magseselos ako sa pagiging touchy ni dyowa sa ex.”

“JoshLia the second time around.”

“Ba’t parang naging moody ni Kuya?”