Advertisers

Advertisers

Kawatan nagkunwaring iihe, magnanakaw pala

0 21

Advertisers

NAHAGIP ng CCTV ang pagtangay ng isang lalaki sa e-tricycle na ginagamit pang-deliver ng isang water refilling station sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City, Biyernes, Oktubre 9.
Sa video, makikitang 3:00 ng madaling araw nang umaaligid ang lalaki sa tapat ng establisiyemento. Nagkunwari muna itong umihi sa gilid ng puting multicab na katabi ng e-trike bago nito tuluyang sinakyan at mada-ling napaandar dahil naiwa-nang may susi.
Nagising ang mga tauhan ng water refilling station at sinubukang habulin ang lalaki pero hindi na nila ito naa-butan.
“Ako po kasi yung gumagamit nun kaya nagulat nalang din po ako na umaandar na po yung e-bike. Hinarurot po niya talaga yung e-bike,” sabi ni John Joseph Checa, staff ng water refilling station.
Nagkakahalaga ng P65,000 ang ninakaw na sasakyan na magda-dalawang taon nang ginagamit sa negosyo.
Agad namang nagpasaklolo sa barangay at pulisya ang may-ari at mga tauhan nito.
Ayon sa barangay, pamilyar sa kanila ang magnanakaw, na kanila nang nasita noong Abril dahil sa pangangalakal sa kanilang lugar nang dis-oras ng gabi.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na tiyaking nasa ligtas na lugar ang mga sasakyan at naialis ang susi bago iwan.