Advertisers
HINDI na nakikita pa ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, chair ng Senate Blue Ribbon Subcommittee ang pangangailangan na imbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na pagdinig sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
“I asked the last time, any more questions for the former president. Ang sagot, wala na. So why invite again?” tanong ni Pimen-tel.
Sinabi ni Pimentel na balewala sa kanya ang mga batikos sa kanyang paghawak sa pagdinig, kung saan binigyan ng pagkakataon si Duterte na magbigay ng side comments at hinayaan ang mga pagmumura.
“Invited siya as a resource person. So dapat pakinggan. Former president [siya] na nag implement ng war on drugs. So dapat pakinggan. Meron din siyang mga ideas sa mga problema ng pulis. Kaya dapat din pakinggan,” paliwanag ni Pimentel.
Aniya, ang pagkabigo ni retired police official Royina Garma at dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo na dumalo sa imbestigasyon ay nagkaroon ng mas maraming oras para magsalita si Duterte.
Kaugnay nito, nakatakdang maglabas ng subpoena ang subcommittee laban kay Garma, Leonardo at iba pang hindi dumalo sa pagdinig.
Binanggit din ni Pimentel na may pakinabang sa pagbibigay kay Duterte ng lahat ng pagkakataong makapagsalita.
“All I can say is we have a lot of material which we will be making available to the Filipino people who are interested,” hirit ni Pimentel. (Mylene Alfonso)