Advertisers

Advertisers

Liderato nina Gov. Tolentino at Col. Alegre masusubok: ‘NARDONG PUTIK’ NG CAVITE, ‘JUN TOTO’ CRIME GROUP LANSAGIN!

0 1,794

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

NAHAHARAP sa matinding pagsubok sina Cavite Governor Athena Bryana D. Tolentino at PNP Provincial Director Colonel Dwight E. Alegre kung paano lalansagin ang dalawang grupo ng sindikato na naghahasik ng lagim at pasimuno sa pagpapalaganap ng vices, droga at protection racket sa lalawigan ng Cavite.

Tinukoy ng grupong Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang mga sindikato na responsable sa protection racket o tong collection at pagpapatakbo ng bisyo tulad ng ilegal EZ2 bookies, sakla, pergalan (perya na pulos sugalan) at maging ng paihi/buriki at iba pang illegal activities ang grupo ng isang “Jun Toto” at “Hero”.



Umpisa October 28, kasabay ng pag-upo ni Col. Alegre bilang bagong Cavite PNP PD, ay napalitan din bilang “payola collector” ang pulis na si alyas “Richard”. Pumalit sa kanya si alyas “Hero” na bukod sa pagiging “tong kolektor” ay operator din ng sakla sa mga bayan ng Noveleta,Ternate, Kawit, Maragondon, Bailen at Magallanes, Bacoor City at Cavite City.

Miyembro si Hero ng bagong sumisibol ngunit kinatatakutang “Nardong Putik” Criminal Group na sangkot din sa illegal gambling, kalakalan ng droga at gun for hire na pinamumunuan ng isang alyas “Minong”.

Kasosyo si Hero ng isang Joji sa operasyon ng sangkaterbang saklaan sa mga barangay at maging sa Poblacion ng bayan ni Amadeo Mayor Reden John Dionisio. Partner niya sa operasyon ng mga saklaan sa Noveleta, Ternate, Kawit, Maragondon, Bailen at Magallanes, Bacoor City at Cavite City ang pekeng NBI agent na si “Elwyn” at “Eric Turok”.

Liban sa kabahagi nito sa mga naturang saklaan ay ”pinipitasan” ni Hero at Jun Toto ang mga naturang sakla den partner ng tongpats para sa pangalan ni Gov. Tolentino at Col. Alegre.

Si Minong ang nag-udyok kay Hero na pasukin ang larangan ng protection racket o pangongolekta ng weekly tong, gamit na panakot ang mga pangalan ni Gov. Tolentino, ilang Cavite top PNP officials at sa Camp Crame.



May patong-patong na kaso ng pagpatay ang nakasampa laban kay Minong at may mga warrant arrest na isyu laban dito ng hukuman sa Cavite at Batangas kaugnay sa mga kasong Murder. Ngunit hindi ito nadakip o natinag ng pulisya sa Cavite dahil sa matinding impluwensya nito sa local at provincial government officials.

Maging si dating Cavite PNP PD, Col. Elieuterio Ricardo Jr., ay nabigo, walang nagawa, nanahimik na lamang at hindi pinanghimasukan si Minong sa pangambang baka siya ay “pulutin sa kangkungan”.

Ipinagmamalaki ni Minong ang malakas na koneksyon nito sa mga Remulla at sa kauupong Governor Tolentino, ang pinakabatang naging gobernador sa bansa sa edad na 26.

Si alyas Jun Toto naman ay operator ng EZ2 bookies sa 75 barangays ni Dasmariñas City Mayor Jenny A. Barzaga, ngunit higit nitong pinagkikitaan ng milyones ay ang pagtutulak ng shabu sa buong lalawigan ng Cavite hanggang sa Metro Manila. Ngunit dedma lang laban dito si Dasmarinas City Police chief Lt Col. Julius B. Balano.

Ang rebisahan ng lotteng at EZ2 bets ni Jun Toto ay ang kanyang garahe sa Brgy. San Luis. Ang pinakamalakas na kubransa niya ay sa bookies o jueteng. Tumatabo din ng kubransa niya sa mga barangay ng San Francisco, San Miguel I, II, San Francisco I, II, San NIcolas I, II, Paliparan I, II, III, San Dionisio, San Esteban, Sto. Cristo, Sto. Niño, Salawag, pati sa Poblacion, Zone I-IV, Pala-Pala, Sampaloc II-V at iba pa. Gamit niya sa pagbebenta ng tingi-tinging shabu ang kanyang mga kubrador at kabo.

Pasok sa listahan nina Jun Toto at Hero upang “damputan” ng lingguhang tig P50K na “timbre” sina Ewang na nag-ooperate ng mga saklaan sa maraming barangay sa Dasmariñas City at pwesto pijong sakla sa Funeral Home malapit sa Sogo Hotel. Ayon sa dalawa, ang kanilang kolektong ay ideni-deliver sa Cavite Governor’s Office sa Capitol Building at Cavite Provincial Police Office

Kabilang din sa nakunan ng “pasalubong” o good will money na P1 million at kinokolektahan pa nina Jun Toto at alyas Richard ng weekly na P700K ay ang paihi/buriki maintainner na si alyas Amang at Violago Group na may kuta sa Brgy. Bancal, Carmona City.

Dekada-dekada nang nagnanakaw ng petroleum at LPG product sina Amang at kasosyong Violago Group sa siyudad ni Mayor Dahlia Loyola, ngunit dahil sa tongpats ay ‘di matinag ang operasyon ng mga ito nina Carmona City Police chief LtCol. Jefferson Ison. Nag-aambag din sina Amang at Violago ng campaign fund para sa ilang lokal na opisyales ng siyudad.

Kabilang din sa kinotahan nina Jun Toto at Hero ng “pasalubong” na tig P100k at tig-P25k weekly ang pergalan operator na si alyas Tetet ng Brgy. Salawag, Damariñas City; Lodie ng Pabahay ng bayan ng Naic; at Jesseca na nag-ooperate ng pergalan sa iba’t ibang panig ng lalawigan. Gamit na panakot ng dalawa, liban kina Gov. Tolentino at PD Alegre, ang pangalan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil

Pinaalalahanan na ng MKKB na maging mapanuri, magpa-imbestiga at lansagin ang aktibidad nina Jun Toto at Hero pagkat walang kamalay-malay ang butihing gobernadora na gamit ang pangalan nito ng dalawang naturang sindikato ng mga iligal upang makapangikil ng milyones na protection money.

Pinalitan ng gobernadora sa pwesto si dating Gov. Jonvic Remulla, na hinirang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na pumalit sa kumakandidatoing senador na si Benhur Abalos.