Advertisers

Advertisers

Uminom ng gamot ‘pag ‘di maiwasan lumusong sa baha para I was leptospirosis – Mayor Honey

0 19

Advertisers

PINAYUHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga residente na agad na magtungos sa pinakamalapit na health center at uminom ng gamot sakaling di maiwasan na lumusong sa baha upang makaiwas sa leptospirosis.

Ginawa ni Lacuna na isang, ang panawagan kaugnay ng ulat na isa na namang bagyo ang tatama sa bansa sa kabila na Hindi pa nakaka-recover ang mga na-displaced ng bagyong si ‘ Kristine’.

Ang leptospirosis ay nakukuha sa mga sa paglusong sa bah na kontaminado ng ihi at dumi ng infected animals tulad ng daga.



Upang maiwasan ito, pinayo ni Lacuna na umiwas sa paglusong sa baha.

Sakaling ‘di naman ito maiwasan , kailangan na magsuot personal protective equipment tulad ng boots, panatilihin ang personal hygiene at agad na maligo.

Iginiit din ng alkalde na agad na magpakonsulta sa nearest health center upang magabayan at mabigyan ng doxycycline prophylaxis.

Maiiwasan ang leptospirosis sa pamamagitan ng mabilis na pag-aksyon dito, sabi ni Lacuna.

Ipinaliwanag pa ni Lacuna na sa pagkonsulta sa health centers, ang pasyente ay maa-assessed kung ang kanyang exposure ay low, medium o high risk at kung kailangan na uminom siya ng doxycycline na makakatulong upang maiwasan ang infection.



Sinabi ni Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan ang maraminghealth centers sa lungsod ay bukas sa lahat ng nangangailangan ng serbisyo lalo na sa panahon ng kalamidad. (ANDI GARCIA)