Advertisers

Advertisers

‘Duterte posibleng makalaya sa Pilipinas pero kulong sa Netherlands’

0 29

Advertisers

INIHAYAG ni dating Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na posibleng makalaya si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mahatulan at makulong ito.

Ayon kay Lacson, ito ay dahil tiyak mabibigyan ng parole ang dating pangulo bunsod ng edad nito.

Gayunman, sinabi ni Lacson na wala namang kawala sa International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo na maaaring makulong sa headquarters ng ICC sa The Netherlands.



Matatandaang iniimbestigahan na ng ICC ang dating presidente kasama ang iba pang opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay ng extrajudicial killings sa ikinasa niyang giyera kontra droga.