Advertisers

Advertisers

2 Rider at angkas todas sa drag racing

0 4

Advertisers

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang dalawang lalaki nang masangkot sa aksidente sa General Santos City noong Sabado nang gabi.

Kinilala ng General Santos City Police Office ang mga biktima na sina Kristel Mae Hecto, 24- anyos; at isang kasamahan na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad.



Batay sa imbestigasyon, magka-angkas sa motorsiklo at binabaybay ng mga ito ang circumferential road sa bahagi ng Barangay Fatima nang mahagip sila ng isa pang motorsiklo na nangangarera sa lugar 9:00 ng gabi.

Kaagad din umanong tumakas ang mga grupong sangkot sa drag racing matapos ang aksidente habang iniwan na nakahandusay ang dalawa sa gitna ng kalsada.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">