Insidente ng krimen sa Maynila mas tumaas ngayong panahon ni Lacuna kumpara sa panunungkulan ni Isko
Advertisers
NAPANSIN sa huling report ng Numbeo Crime Index na mas tumaas ang insidente ng krimen ngayong panahon ni Manila Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna kumpara sa panunungkulan ni dating Yorme Isko Moreno Domagoso.
Sa ulat ng Numbeo, itinala ang Maynila sa “most dangerous city in Southeast Asia,” at hindi ito bunga ng guni-guni pagkat suportado ng datos.
Sa Maynila, ngayong panahon ni Lacuna, ayon sa Numbeo, ito ay may umabot sa 72.51 itinaas ng insidente ng krimen mula sa dating 64.23 crime index score.
Dumanas ang Manilenyo ng 71.26 na krimen tulad ng pagnanakaw, holdup, karahasan, at iba pang krimen laban sa tao at ari-arian, at sa marahas na krimen, kasama ang pagpatay, umakyat ito sa 71.12 in violent crimes.
Sa gabi, ayon sa Numbeo, takot ang nasa isip ng tao na baka sila ay mabiktima ng krimen, sa naitalang pagbagsak ng safety index sa 29.96.
Naikumpara ito sa panahon ni Yorme Isko (2019 to 2022) na nakita ang pagbaba ng insidente ng krimen na nasa 59.4%.
Maging sa report ng Philippine National Police (PNP), nakita na bumagsak sa a 45% ang crime volume sa panahon ni Yorme Kois.
Mula sa 20,517 incidents noong 2019, lumiit ang insidente ng krimen sa 11,231 noong 2020.
Ayon sa ulat, naglatag si Yorme Isko ng mga aksyon laban sa kriminalidad sa Maynila — tulad ng mas maraming presensitya ng pulis sa araw at gabi, lalo na sa mga lugar na madalas pangyarihan ng krimen.
Naglagay si Yorme ng 1,000 closed-circuit television (CCTV) cameras sa buong siyudad na minomonitor ng 24 oras sa loob ng sanlinggo, at mayroong tropa ng pulisya na agad-agad na nakapagre-response kapag may nagaganap na krimen o karahasan at makasasaklolo sa aksidente, sunog at iba pang emergency.
Sa pagtutulad ng Numbeo sa antas ng kriminalidad at pag-response ng Cityhall ng Maynila ay naghahatid ng malaking takot sa mga residente at mga taong may kailangang gawin o transaksiyon sa siyudad.
Malaki ang epekto nito sa hanapbuhay, negosyo at tiwala ng investor, ayon sa pag-aaral.
E, sino nga ba ang gugustuhing manirahan at magnegosyo sa isang siyudad na mataas ang insidente ng kriminalidad.
Sa pagkukumpara ng Numbeo, nakita ang kakulangan ng seguridad ng mga mamamayan sa Maynila ngayong panahon ni Mayor Lacuna.
Mas kampante at mas “safe” ang pakiramdam na ligtas ang Manilenyo sa panahon ni dating Yorme Isko Moreno. (BP)