Advertisers

Advertisers

ISYU NG ‘PEACE AND ORDER’

0 5,628

Advertisers

MABILIS ang reaksyon ng Palasyo at mga opisyal nito sa “patutsada” ni PDU30 sa kanyang pagharap sa Senado noong Lunes at sabihing “mas malala” ang problema ng bansa sa ‘peace and order’ ngayon kumpara sa kanyang administrasyon.

Humarap sa Senado si ‘Mayor Digong’ upang ipaliwanag ang mga dahilan sa naging madugong ‘Drug War’ sa kanyang termino.

Kumpleto sa mga datos at estadistika, sinabi ng PNP at DOJ na “kabaligtaran” ang mga pagbibida ng tatay ni VP Sara dahil “mas mataas” ang krimen sa kanyang gobyerno.



Kung sino ang totoo at kung sino ang ‘fake news,’ sa ganang atin, ang nararanasan at “pakiramdam” ng taumbayan ang dapat pagbatayan. Kumpara “noon” at “ngayon,” mga kabayan, ‘do you feel much safer?’

Sa Binan City, Laguna, halimbawa, malapit nang “mapraning” ang mga residente ng Bgy. San Francisco, Ireneville at Metroville dahil sa sunod-sunod na serye ng holdap at ‘house break-ins’ na ang mga biktima siyempre ay mga ‘ordinari pipol’ na katulad natin. At nangyayari ito kahit tanghaling tapat, Mayor Arman Dimaguila, hane?

Bagaman “nagtatrabaho” ang mga pulis, tuloy pa rin ang serye ng krimen. Kailangan pa bang may mangyaring ensational crime’ sa lugar bago magising ang gobyerno na sa mga LGUs at mga barangay katulad sa Binan, TUMATAAS ang krimen?

Maganda ang prinsipyo ni PBBM na ‘bloodless campaign’ laban sa krimen, kasama na ang iligal na droga.

Ang ‘negative effect?’ Lalong lumalakas ang loob ng mga kriminal dahil alam nilang igagalang ng mga awtoridad ang kanilang mga “karapatan” — para muling makapaghasik ng takot at karahasan sa mapayapang mga komunidad.



Hinagpis ng miron? “Diyosme, Rudee!”