Advertisers
Ni Archie Liao
SA kanyang ikalabindalawang taon, muling nagbubukas ng pinto ang QCinema International Film Festival (QCIFF) para sa anim na mga baguhan at kilalang kritiko sa buong bansa na makikilahok sa QCinema Critics Lab.
Tulad nang nakaraang taon, ang nasabing event ay layuning bigyang daan ang malayang diskurso tungkol sa Pinoy, Southeast Asina at International Cinema.
Sa taong ito, ang QCinema Critics Lab participants ay sina Acer Batislaong, Brontë Lacsamana, Joaquin Singson, Ligaya Villablanca, Maverick Alviar, at Mac John Bautista.
Ang Caloocan-based writer na si Acer Batislaong ay isang top contributor para sa IONCINEMA.com at nakapagsulat na ng mga artikulo para sa Nylon Manila, tungkol sa youth culture at entertainment. Isa siyang masugid na tagasubaybay ng mga obra ni Lav Diaz.
Si Brontë Lacsamana ay isang multimedia reporter para sa Philippine business newspaper na BusinessWorld. Tungkol sa visual arts, performing arts, music, literature, at cultural heritage ang mga isinusulat niya. Nagsusulat din siya ng movie reviews.
Si Joaquin Singson ay isang writer at cultural worker mula sa Quezon City. Noong 2018, nakasama siya sa listahan ng mga ikinunsidera para sa Purita Kalaw-Ledesma Prize for Art Criticism. Nagsulat din siya para sa Heights Ateneo at NANG Magazine tungkol sa music at art criticism, Cold War at Third World histories, at anti-imperial movements sa Global South.
Si Ligaya Villablanca, isang programmer ng short films para sa micro-cinemas sa Visayan islands, Australia, at Estados Unidos. Paboritong topic niya ang tungkol sa regional cinema at ang kahalagahan at ambag nito sa national at worldwide stage.
Si Mac John Bautista ay isang Mechanical Engineering student sa DLSU-Manila. Sa kasalukuyan, siya ay contributing writer para sa Society of Filipino Film Reviewers at managing director ng Kinoise.
Si Maverick “Mavs” Alviar ay kasalukuyang nag-aaral ng BA in Art Studies with a Minor in Theater and Performance Praxes sa University of the Philippines Diliman. Naging intern din siya sa UP Vargas Museum, Likhaan Fair, Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum at Yuchengco Museum.
Ang QCinema Critics Lab ay pinamamahalaan ng FIPRESCI member at three-time Golden Globe voter Jason Tan Liwag na layuning magbigay ng insights tungkol sa crafts ng film criticism, curation, at audience development.
Ang mga kalahok ay sasailalim sa three-day intensive in-person workshop/forum kung saan susuriin nila ang mga pelikulang panonoorin, kakapanayamin ang filmmakers, at makikipagtalastasan sa industry professionals — kasama na ang mga kilalang critics, researchers, media professionals at iba pa.
Sa ikalawang edisyon ng lab ngayong taon, maglalabas din sila ang kanilang kritisismo, long-form festival reports, podcasts at video essays ng mga obrang tampok sa festival.
Ang lab ay dadaluhan ng founding editor-in-chief of CNN Philippines Life, Philippine consultant for the Far East Film Festival, at National Book Award nominee Don Jaucian; two-time National Book Award finalist at acclaimed film critic at programmer Richard Bolisay; musician, filmmaker, cultural journalist at recipient of the Prince Claus Seed Award, the Carlos Palanca Memorial Award for Literature, ang Purita Kalaw-Ledesma Prize for Art Criticism Mariah Reodica; film critic, translator, at Gawad Urian nominated screenwriter Carl Javier; QCinema Critics Lab at FEFF Film Campus fellow at co-editor of MARG1N Magazine Alyssandra Maxine; at Brooklyn-based filmmaker, critic, programmer, at editor ng Mike De Leon’s two-volume memoir Last Look Back na si Aaron E. Hunt.
Ang walo namang participants sa unang QCinema Critics Lab na sina Alyssandra Maxine, Bane Vicente, Justine Danielle Reyes, Kaj Palanca, Lé Baltar, Novy Mae Recate, Red Sales, at Roselle Marie Abanilla ay inaasahan ding dumalo ngayong taon.
Ang QCinema Critics Lab na isa sa mga programa ng 12th QCinema International Film Festival, ay gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17, 2024 sa pakikipagtulungan ng The Millas Hostel and Cafe at Sine Pop sa Cubao.