Advertisers

Advertisers

Sekyu, timbog sa baril sa checkpoint

0 13

Advertisers

Arestado ang isang lalaki nang mahulihan ng baril sa checkpoint ng PNP sa Bgy. Pambuan sa siyudad ng Gapan, Nueva Ecija nitong Linggo, Nobyembre 3, 2024.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol.Ferdinand Germino nakilala ang suspek na si alyas Mark, 38-anyos, isang security guard residente ng Brgy. Kapitan Pepe Subdivision sa naturang lungsod.

Naharang ang suspek habang lulan ng motorsiklo na walang plaka, na walang kaukulang dokumento, bukod pa dito ang nakasukbit ang cal.8MM Kimar pistol, isang magazine assembly para sa nasabing baril at anim na caliber .25 cartridges.



Samantala kasong paglabag sa RA 10591ang isasampa laban sa suspek.(Thony D. Arcenal)