Advertisers

Advertisers

Ismagel na krudo nasabat sa karagatan ng Palawan

0 10

Advertisers

Balabac, Palawan — Aabot sa P300,500 halaga ng imported fuel ang nasabat sa anti-illegal oil smuggling operation ng 2nd Special Operation Unit Task Force Pluto ng PNP Maritime Group at iba pang ahensya sa karagatan ng bayang ito.



Ang 15 drums at 10 containers ng krudo na hinihinalang mula sa bansang Malaysia na nasabat sa bahagi ng Barangay Mangsee sa naturang bayan, na karga sa isang lantsa at tatlo ang naaresto na kinilalang sina alyas Jun, boat Captain, alyas Bong at Biboy.

Nasa kustudiya na ng Balabac authorities ang mga nadakip at ang krudo para sa kaukulang disposisyon.