Advertisers

Advertisers

Manila City Hall Press Club nanumpa sa harap ni PCO Sec.

0 7

Advertisers

Nanumpa ang mga bagong opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez nitong Martes, Nobyembre 5, 2024.



Ang Manila City Hall Press Club ang kauna-unahang samahan ng mga mamahayag sa Pilipinas, na itinatag noong 1955.

Kabilang sa mga nanumpa kay Sec. Chavez sina Jocelyn Tabangcura-Domenden ng Remate Online/Police Files Tonite (President); Benjamin Cuaresma ng Maharlika.Tv (Vice President); Gene Adsuara ng People’s Balita (Secretary); Emmanuel Mortega ng RMN/DZXL (Treasurer); Crismon Heramis ng Remate (Chairman of the Board); at mga Directors na sina Felix Laban ng DZME; Lorenz Tanjoco ng Radyo Pilipinas at Edd Reyes ng People’s Journal/People’s Tonight.

At si Bishop Jess Basco ng People’s Balita ang isa sa tumatayong adviser ng grupo.

Hindi naman nakadalo sa oathtaking ang iba pang bagong opisyal na sina Marvin Empaynado ng People Tonight (Auditor); mga Directors na sina Madz Villar ng Net25; Jonjon Reyes ng People’s Tonight at Nan Ramos ng Police Files Tonite at advisers na sina JR Reyes ng Remate News Central at Aya Yupangco ng DWIZ.

Isang malaking karangalan para sa grupo na makapanumpa sa harap ni Cesar Chavez na isang kinikilala personahe sa industriya ng panulat.

Iniidolo ng karamihang mamamahayag si Chavez lalo na bilang isa itong respetadong tao.

Lubos ang pasasalamat ng MCHPC sa oras at panahon na ibinigay ng kalihim para sa nasabing kaganapan.