Advertisers

Advertisers

P15m shabu, marijuana, ecstacy nasamsam sa 6 bigtime tulak

0 548

Advertisers

Mahigit sa P15 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Acting District Director, PCOL Melecio M Buslig, Jr., sa naaresto anim na bigtime drug dealer sa isinagawang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni PMaj. Wennie Ann Cale, hepe ng DACU at nanguna sa operasyon, ang pagkakakumpiska sa P15,841,000.00 na halaga ng ilegal na droga at pagkadakip ng anim katao na resulta nang isinagawang magkakasunod na operasyon.

Sa unang operasyon, kinilala ang mga suspek na sina Arlene Ann Goco, 36-anyos, residente ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City; Lia Lauren Llige, 42, residente ng Brgy. Batis, San Juan City; Daryl Sarona, 26, residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City; at Jerome Palacios, 49, residente ng Pateros, Metro Manila.

Sa ulat, inaresto sina Goco at ang tatlong kasamahan ala-1:30 ng hapon ng Nobyembre 5, 2024 sa No. 786, Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 60 gramo ng high-grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng P90,000.00; 400 pirasong ecstasy tablets na may halagang P680,000.00; isang (1) litro ng marijuana kush oil na nagkakahalaga ng P1,200,000.00; at 20 piraso ng liquid marijuana vape na may halagang P30,000.00, na may kabuuang halaga na P2,680,000.00.

Ibinunyag ni Goco ang pagkakasangkot ng dalawa pang High-Value Individuals sa ilegal na droga. Dahil dito, agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng DDEU 2:30 ng hapon nitong Nobyembre 6, 2024, sa kahabaan ng Carlos P. Garcia Ave. malapit sa kanto ng Velasquez St., Brgy. UP Campus, Quezon City, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Terence Concepcion, 43, residente ng Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City; at Mohammad Villar Dana, 36, residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Nakumpiska mula sa kanila ang 1,770 gramo ng shabu at 750 gramo ng methylenedioxymethamphetamine (MDMA), na may kabuuang halaga na P13,161,000.00.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(Almafr Danguilan/Ernie Dela Cruz)