Advertisers

Advertisers

Tulak, timbog sa baril at shabu sa Malabon

0 15

Advertisers

Kulong ang isang bagong natukoy na drug pusher na may kargang baril sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Noy”, ng Caloocan City.

Ayon kay Col. Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra sa suspek 12:45 sa kanto ng Dr. Lazcano at Asogue Sts., Brgy. Tugatog.



Nasamsam sa suspek ang shabu na tumitimbang ng 10.61 grams at nagkakahalaga ng P72,148.00, at isang cal. 38 revolver na kargado ng limang bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.(Beth Samson)