Blessing mula kay Lord… Sold-out Ang Ineendorsong Chef Ayb’s Paragis Herbal Tea Ni Alex Gonzaga At Parents Na Sina Mommy Pinty At Daddy Bonoy
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
EVERYTIME na may dumarating na blessing sa kanila ng husband na si Daddy Bonoy (Carlito) at sa mga daughter na Alex at Toni Gonzaga, agad na pinasasalamatan ni Mommy Pinty ay si Lord. Kaya kita niyo naman maging sa negosyo ni Mommy Pinty na HAPPY CUP ay nagsisimula na namang dumami ang kanilang branches sa Luzon, Visayas at Mindanao. At ito ngang ineendorso nina Mommy Pinty, Daddy Bonoy at Alex na CHEF AYB’S PARAGIS HERBAL TEA, mula ng ang tatlo ang maging brand ambassadors nito, after two weeks since ipakilala sila sa fabulous launch nila sa One Shangrila Place last October 11 na maraming inimbitahang entertainment media, naging sold-out agad ang lahat ng produkto ng Chef Ayb’s Paragis kabilang na ang kanilang mga capsules with Moringa and Guyabano. Kahit ang resellers nito ay naubusan talaga ng mga stocks. Meaning, pawang certified effective endorsers si Alex at mga magulang nga na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Well, infairness super dami naman talaga kasi ng health benefits na dulot ng pag-inom ng herbal tea at capsules ng Chef Ayb’s Paragis. Kumbaga, less gastos na ang mga may karamdaman, lalakas at sisigla pa ang kanilang katawan. Malaking factor talaga rin ang pagsimba every Sunday at pag-attend sa mga activities sa kanilang simbahan na United Methodist Church itong mga nakakamit ng Pamilya Gonzaga. Last Nov 10 nga ay parehong naging guest speaker sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy para sa Themed na Reclaim, Revive, and Renew. Para ito sa mga magulang at kanilang mga anak, ayon pa sa longtime friend naming si Mommy Pinty. Tama nga na kapag si Lord ang kumilos ay walang imposible. By the way, balik stock na ang favorite niyong Chef Ayb’s Herbal Tea and Capsule. At maliban sa mga distributors ng produkto maari kayong mag-order sa Shopee, Lazada, at Tiktok Shop.
***
Monet Lu, Ang Husay Sa Transformation Ng Bagong Look Ng Kliyente
NAKAHAHANGA ang pagiging expert sa haircut at makeup ng dear friend naming Salon owner at former “The Buzz” California Correspondent na si Monet Lu. Yes, tuwing nakikita namin ang mga post ni Monet sa mga kliyente na inaayusan niya sa kanyang MONET LU SALON, sa Hollywood California na katabi lang ng Mami King. Lalo kaming napahahanga ng mabait at matulungin namin kaibigan na kilalang Mother of Celebrity and Beauty Queens dahil sa late 70’s pa lang hanggang ngayon ay maraming kaibigang artista at beauty title holder si Monet.
Yun na nga pagpasok sa parlor ni Monet ay ang chaka ng hair ng client (girl or boy). Once ginupitan na ni Monet ng kanyang magic hands lalabas sa Salon niya ang transformation na ginawa nito.
Yes, mukha na silang celebrity once na inayusan na sila ni Monet. At dahil isang Salon na lang ang pinapatakbo ay wala ng stress at pressure at naka-a-unwind pang madalas si Monet. Gaya ng pag-dine-in sa fave resto at panonood ng mga concerts with her circle of friends.
Located pala ang MONET LU SALON sa 13553 Roscoe Blvd Panorama City, CA 91402. Try niyo ang Undercat Pixie Haircuts for Women 2025/Short Pixie Looks/Pixie Cuts New Style 2025. For appointment, please call 213-2164923. Get ready for the season with a fresh hairstyle.
***
New York Based Madam Nila Agatep Bagcal-Reyes, Beauty Pa Rin Dahil Sa Pagiging Good-Samaritan
I’M very lucky to have a friend like Madam Nila Agatep-Bagcal Reyes, na matagal nang based sa New York City kasama ang buong family. Infairness, pare-pareho ng may magagandang trabaho ang mga anak ni Madam Nila na always beautiful and happy ang aura kasi malaki ang puso sa kapwa. She’s fun of local celebrity at ito ang rason kung bakit pinapanood niya ang my Vlog in my YT Channel, PPA Entertainment Network and other Vlogs. At isa si Madam Nila na big Angels ng aking buhay. She’s beautiful inside and out na tuwing may special ocassions like Christmas, anniversary of my Vlog and my Birthday ay siya pa mismo ang magme-message sa iyo, na naka-ready na her Ayuda and Gifts. O di ba, she’s very nice and sweet kaya well-loved siya ng marami including me.
And kapag pinag-usapan ang compassionate heart, isa ang ang beloved friend kong ito sa may taglay nito. Pinagkakatiwalaan pala ni Madam Nila sa kanyang face si Dra Vicki Belo. Tuwing nagbabakasyon siya sa Pinas, dito siya nagpapa-treat. Ang bongga di ba?