Advertisers

Advertisers

Bahay ng Laguna governor niransak, P20m tangay

0 14

Advertisers

Nilimas ng mga kilabot na “Akyat-Bahay Gang” ang P20-milyong cash na nasa vault nang pasukin at pagnakawan ang bahay ni incumbent Laguna Governor Ramil Hernandez sa Barangay Dila, Bay.

Kinumpirma ng tatlong opisyal ng pulisya na nilooban ang bahay ni Gov. Hernandez sa nasabing lugar noong Nobyembre 3 sa pagitan ng 2:00 ng madaling-araw hanggang 7:00 ng umaga nguni’t naiulat lamang sa pulisya ng 10:45 ng umaga ng nasabing petsa. 



Sinabi ng mga opis­yal na pinayuhan umano ng mga police pro­bers na huwag i-post sa media journal gayundin na ipatupad ang news blackout sa insidente. 

Sa police report,  ang katiwala nito na si Isagani Guillermo Bernardino at mga security guard ng VSM Security agency ang mga bantay ni Hernandez ng kanyang mga ari-arian.

Lumalabas na nagawang makapasok ang mga ‘di kilalang suspek sa likurang pinto ng bahay sa pamamagitan ng puwersahang pagbukas ng pinto.

Pagdating sa loob, agad na tinungo ng mga suspek ang vault at sinira ang bakal na bukasan ng vault gamit ang bolt carter at steel iron. 

Nakuha ng mga suspek ang isang malaking cash money na nagkakahalaga umano ng P20 milyon at nabigo silang mahanap ang isa pang malaking halaga ng cash na mahigit P1 milyon na lihim na nakatago rin sa loob ng vault.



Matapos na makulimbat ang nasabing ha­laga, mabilis na umalis ang mga suspek.

Narekober ng mga rumespondeng otoridad ng pulisya ang natitirang cash money na nagkakahalaga ng P1,024,500 at iba pang mga gamit ng tauhan at agad na itinurn-over kay Dennis Hernandez, Executive Assistant ni Gob. Hernandez.