Advertisers
Nasagip ang tatlong crew members ng isang nasiraang yate ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon ng mga lokal na otoridad malapit sa karagatan sakop ng Barangay Binalas, Lubang, Occidental Mindoro.
Sa ulat ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang PCG Sub-Station (CGSS) Lubang tungkol sa yate na ‘Annie Kim’ na nagkaaberya noong Nov.11.
Nakipag-ugnayan naman ang CGSS Lubang sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Lubang at agad na naglunsad ng search and rescue (SAR) operation.
Bahagya namang lumubog ang yate dahil sa masamang panahon.
Kabilang sa crew members, ang dalawang Filipino at isang Korean na nasagip at isinakay sa inarkilanh motorized banca at ligtas na nailipat sa sea ambulance.
Umalis ang yate sa Puerto Princesa, Palawan patungong Subic, Zambales ng masalubong ang masamang panahon kasama ang malakas na hangin at malalaking alon na dahilan ng aberya.
Matagumpay namang nahatak ang yate sa Sitio Tumibo, Barangay Tangal, Lubang, Occidental Mindoro, noong November 13, 2024 gamit ang drum na basyo na ibinigay ng the MDRRMO.(Jocelyn Domenden)