Advertisers
INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa tiyak kung kailan makababalik ng bansa si Retired PCol. Royina Garma matapos itong maharang at ma-detain ng US authorities dahil sa kanseladong pasaporte kasama ng kanyang anak na babae.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, wala pa silang hawak na impormasyon sa ngayon.
Paliwanag ng kalihim, kailangang ayusin muna ang mga kaukulang dokumento sa US bago tuluyang mapabalik ang mga ito sa Pilipinas.
Matatandaang, hinarang ng mga tauhan ng US ang dating colonel kabilang ang kanyang anak matapos kanselahin ang kanyang US Visa.
Sa batas ng US, hindi maaaring pumasok sa kanilang bansa ang mga indibidwal na sangkot sa crime of humanity. Nitong Miyerkules ay una nang kinumpirma ng DOJ na babalik na sa Pilipinas si Garma, ngunit walang Garma ang nagpakita.
Kabilang nga si Garma sa mga tumayong resourse person ng Quad Committee sa Kamara na siyang nagsiwala sa pagkakasangkot umano ni dating pangulong Duterte sa reward system para sa mga pulis na nakapapatay ng mga drug personalities.