Advertisers

Advertisers

‘Honesty store’, binuksan sa pampublikong paaralan sa Valenzuela

0 11

Advertisers

Pinasinayaan at pormal nang binuksan ang ‘honesty store’ sa Malinta National High School sa lungsod ng Valenzuela, Nobyembre 13.

Dinisenyo ang proyekto na tinaguriang “Tindahan ng Katapatan para sa Mag-aaral”, para sa kasanayan ng mga estudyante sa pagiging matapat at pagpapahalaga sa intergridad. Ang tindahan ay payak sa likod ng makabuluhang konsepto nito kung saan ang mga mag-aaral ay pagkakatiwalaang magbayad ng mga bagay na kanilang binili nang walang nagbabantay o kahera.

Ayon kay Dr. Cesar Villareal, principal ng naturang paaralan, ito ay isa lamang sa kanilang mga paraan ng paghubog sa mga mag-aaral hindi lamang sa akademiko kundi lalo’t higit sa moral o kagandahang asal at pagiging matapat.



Ayon pa sa punongguro, “hindi natin masasabi balang araw, isa sa kanila ay maging lingkod-bayan, opisyal ng gobyerno, o lider ng kanilang komunidad. By instilling these values early on, we hope to build future leaders who will contribute to a society free from graft and corruption.”

Ito ang kauna-unahang ‘honesty store’ sa pampublikong paaralan sa lungsod.(Beth Samson)