Advertisers

Advertisers

JOE TORRES INILUKLOK NI MARCOS BILANG PTFOMS CHIEF

0 16

Advertisers

INILUKLOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Joe Torres bilang bagong pinuno ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), kapalit ni Paul Gutierrez na natapos ang termino bilang Executive Director ng ahensya noong Setyembre.

Ito ang inanunsiyo ni PBBM sa kanyang talumpati sa 50th KBP Top Management Conference na ginanap sa Tagaytay.

Si Torres, isang beteranong mamamahayag at dating Director General ng Philippine Information Agency, ang napiling mamuno sa PTFoMS, lalo na sa panahon ng nalalapit na 2025 midterm elections.



Sa kanyang direktiba, inatasan ni Pangulong Marcos ang PTFoMS na paigtingin ang operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga miyembro ng media, nang walang banta sa kanilang buhay, kalayaan, at seguridad. (Gilbert Perdez)