Advertisers
Kalaboso ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) na kumakandidatong vice-mayor sa May 2025 mid-term election at nakatalang number 1 regional most wanted person ng Bicol Region nang maaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office-5 sa ginawang warrant of arrests operation sa Barangay Poblacion, San Vicente sa Northern Samar noong Miyerkoles.
Hindi na nakapalag at kusang sumama sa mga arresting officers ang suspek na nagpapakilala sa Northern Samar na alyas “Pikoy”, 44-anyos, ng Brgy. Bagacay, San Jacinto, Masbate at kasapi ng NPA Bicol Regional Party Committee.
Sa ulat, itinuturing si Pikoy na number 1 regional MWP sa 20-bilang ng kasong murder simula noong taong 2014, 2016, 2020, 2021, 2022 at 2023; at 9-bilang ng kasong multiple attempted murder sa Regional Trial Court, 5th Judicial Region sa lalawigan ng Masbate.
Sa report na inilabas ng PRO5, pinamumunuan ni regional director Brig.Gen. Andre Perez Dizon, nasa primary target ang suspek sa “Coplan CN: Electro” at nasa listahan ng e-warrant system.
Nang matunton ng intelligence operatives ang kinaroroonan ng akusadong kandidato agad bumuo ng joint police-Army arrresting team na nagkasa ng operasyong pag-aresto sa suspek.
Sinalakay ng binuong operation team ang kinaroroonan ng suspek na nagresulta sa kanyang pagka-aresto.
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.