Advertisers
Kumpiyansa ang kampo ng napatalsik na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na dito pa rin sa Pilipinas magdidiwang ng Kapaskuhan kapiling ang mga taga-suporta nito.
Ayon kay Atty. Stiphen David Abogado ni mayor Guo malabong mapauwi sa bansang tsina ang kanyang kliyente dahil maliwanag na isa itong Filipino Citizen batay na rin sa mga dokumentong hawak nila.
Binanggit rin ni David na posibleng maki-usap sila sa korte upang pakiusapan na payagang makapag Pasko si mayor Guo na makasama ang mamamayan ng Bamban at mabisita ang kanyang farm kung saan ito lumaki.
Samantala dakong 9:15 ng umaga ng simulan ang pagdinig sa Bureau of Immigration kung saan pinabulaanan ang naging depensa ni dating Bamban Tarlac Mayor Gou na isa itong Pilipino.
Mariing kinontra ng Bureau of Immigration ang naging pahayag ng Kampo ni Gou Hua Ping Aka Alice Guo na ito ay Pilipino partikular ang naging pahayag ni Atty. David sa ginanap na pagdinig.
Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming mga naipakitang ebedensya ang Special Prosecutor na nagpapatunay na hindi Pilipino si Gou Hua Ping at dinaya lamang nito ang kanyang mga dokumento.
Kabilang sa mga ipinunto ni Atty. Repizo ay ang fingerprint na hawak ng NBI na nagpapakita na si Gou Hua Ping at Alice Gou ay isang tao lamang.
Dahil dito, binigyan ng BI ang Kampo ni Gou na kumuha ito ng isang eksperto para pabulaanan ang records ng NBI sa kanyang mga fingerprint.
Bukod sa fingerprint, ipinakita rin ng Special Prosecutor ang birth certificate ni Gou na peneke para palabasing siya ay isang Pinoy.
Nagpahabol naman ng statement si Atty. Repizo matapos na kapanyamin ng mga reporter na hindi na siguro aabutin pa ng susunod na kapaskuhan sa pinas ang napatalsik na Bamban mayor at ito umano ay ibibiyahe na papuntang bansang China. (Cesar Barquilla)