Advertisers
MARIING nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na ikandado o ipasara ang mga online sellers na hindi sumu- sunod sa kanilang alituntunin.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, marapat na sumunod ang mga online sellers sa kanilang registration at tax remittance rules.
Binalaan niya ang mga ito na kanilang sususpindehin ang mga operasyon ng mga online stores na nasasailalim sa kanilang Online Kandado program.
Giit nito na wala silang pinipili maging maliit man ito o malaking online stores basta lumabag ay kanilang ipapasara agad.