Dir. Bong Marzan ipinagmalaki ang first Seal of Good Local Governance Award ng Maynila sa ilalim ni Mayor Honey Lacuna
Advertisers
BUONG pagmamalaking binati ni Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV Director Bong Marzan si Mayor Honey Lacuna dahil sa ilalim ng administrasyon nito ay nakuha ng kabisera ng bansa ang kaunaunahang Seal of Good Local Governance Award.
“I am very proud in congratulating our beloved Mayor Honey Lacuna-Pangan for reaping the very first Seal of Good Local Governance Award, ” pahayag ni Marzan na Chairman din ng Brgy. 497.
Ang Maynila ay isa sa 2024 Awardees ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government, ayon sa roster na nilagdaan ni DILG Secretary Jonvic Remulla naka-post sa official DILG website.
“Ikinagagalak ko din pong ipaalam sa lahat na apat sa walong barangay sa Maynila na inindorso ng ating butihing alkalde para sa SGLG Awards for Barangays ay mula mismo sa Distrito Kuatro at ito ay kinabibilangan ng Brgy. 425 sa ilalim ni PB Benjamin Pasamonte, Brgy. 480 sa ilalim ni PB Carlito Cabunot, Brgy. 566 sa ilalim ni PB Joey Albia at Brgy. 572 sa ilalim ni PB Daisy Tee. Binabati ko po kayo ng advanced congratulations sampu ng inyong pamunuan,” saad ni pa ni Marzan.
Nabatid na ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isa sa flagship good governance programs ng national government.
Ang SGLG Awards program naman ay isang komprehensibong valuation ng performance ng isang LGU, pati na ang accountability and compliance nito sa pagpapatupad ng batas.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakamit ng Lungsod ng Maynila sa ilalim ni Lacuna ang 2024 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI). Walang sinumang naupong alkalde ang nakatanggap ng prestihiyosong karangalang ito mula sa DILG, maliban sa kauna-unahan ding lady mayor ng Maynila. (ANDI GARCIA)