Advertisers

Advertisers

4 US pedophiles naharang sa NAIA

0 15

Advertisers

SINABI ng Bureau of Immigration (BI) ng naharang ng kanilang mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na American pedophiles na tangkang pumasok ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na hindi makapasok ng bansa ang mga dayuhang sexual pedophiles nitong nakaraang tatlong linggo bilang bahagi ng kampanya ng BI na itaboy ang mga ‘sexual predators’ na nambibiktima ng mga vulnerable Filipinos.

“They were denied entry after our immigration officers found that they were included in our alert of list of foreigners who have been convicted of sex crimes, mostly against minors, in their home countries,” saad ni Viado.



Idinagdag pa ni Viado na ang kanilang ginawang pagtaboy sa mga dayuhang nahatulan dahil sa crimes against moral turpitude ay isinasaad ng Immigration Act ng bansa.

Matatandaan na inilunsad ng BI ngayong taon ang #ShieldKids campaign, na layuning itaboy ang mga dayuhang sexual predators at sex tourists.

“They have been placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines for being undesirable aliens,” ayon pa sa hepe ng BI.

Sa ulat ni Ferdinand Tendenilla, acting chief ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI na ang apat na mga dayuhan ay agad ding pinasakay sa next available flight pabalik sa kanilang pinangggalingan.

Kinilala ang mga naharang na dayuhan sa NAIA terminal 3 noong Oct. 8 na sina American serviceman Justin Henry Glasgow, 43, galing pa ng Guam. Siya ay nahatulan sa kasong child pornography noong 2005 at nahatulan ng court martial ng 10 taong pagkabilanggo.



Nang sumunod na araw si Daniel Clare Rademacher, 60 naman ang naharang sa NAIA Terminal 1 matapos manggaling mula sa Incheon.

Siya ay nahatulan noong 2004 dahil sa two counts of criminal sexual conduct in the first degree kung saan biktima niya ang isang 15-year-old girl.

Noong Oct. 12, si Khallif Francis Ammen, 29, ay naharang sa NAIA Terminal 1 matapos na manggaling sa Los Angeles.

Siya ay nahatulan noong 2016 sa kasong child pornography ang possession of lewd pictures and videos ng kanyang 11-anyos na batang biktima.

Samantala, naharang din sa nasabing terminal si Brian Williamn Sanchez, 68, na nagmula sa Los Angeles noong Nov. 2.Siya ay nahatulan sa kasong child pornography noong 2003 kung saan bata ang kanyang biktima. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)