Advertisers
Matagumpay na nakamit ng Pmahalaang lungsod ng Caloocan ang ika-walong sunod na Seal of Good Local Governance (SGLG) ngayong taon.
Ang SGLG ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa katapatan at kahusayan ng isang lokal na pamahalaan.
Ibinigay ito sa Caloocan nang pumasa sa matinding pagsusuri ng DILG sa iba’t-ibang aspeto tulad ng maaayos at tapat na pangangalaga at paggastos sa kaban ng bayan, mabilis at episyenteng proseso ng pagnenegosyo, pangangalaga sa kalikasan, pagiging handa sa kalamidad, at ang pagsusulong sa turismo, youth development, social protection, kalusugan, at edukasyon.
“Mga Batang Kankaloo, sama-sama po nating pinaghirapan at pinagtrabahuan ang parangal na ito kaya sa pagtanggap natin sa ika-walong pagkakataon ng Seal of Good Local Governance kasama ko rin po kayong lahat sa tagumpay na ito,” pahayag ni Mayor Along Malapitan.(BR)