Advertisers
KULONG ang 38-anyos na lalaki nang mahuli sa akto na binibidyo ang pagligo ng babaeng kapitbahay gamit ang cellphone sa Barangay Sta Veronica, Guimba, Nueva Ecija, Miyerkoles ng gabi.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Colonel Ferdinand Germino, Nueva Ecija police director, kinilala ang salarin sa alyas Taba.
Nabatid na habang hubo’t hubad na naliligo ang ginang sa loob ng kanilang banyo at aabutin na sana ang shampoo nang mamataan nito ang kamay na kinukunan siya ng video gamit ang cellphone.
Agarang naghuhumiyaw ang biktima, nagtapis ng tuwalya at sinugod ang kinalulugaran ng salarin.
Nakilala niya na ang kanilang kapitbahay ang nangmanyak kaya’t agad tumawag sa pulisya at humingi ng saklolo.
Sa mabilisang pagresponde ay naaresto ang salarin na kinasuhan ng paglabag sa Rep. Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.