Advertisers
NADAKIP ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang drug personality nang makuhanan ng P34 million halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa isang condo unit sa Las Piñas City nitong Sabado.
Kinilala ang naaresto na si Kenneth Bandong, ng Unit 407, One Premier, Alabang, Zote Road, Las Piñas City.
Samantala, hindi inabutan ng mga otoridad ang isa pang target ng search warrant nang isinagawa ang opera-syon.
Ayon kay Director III Laurefel P, Gabales, PDEA Chief, PIO, isinagawa ang opera-syon ng PDEA Regional Office National Capital Regional sa bisa ng ipinalabas na search warrant ng RTC Branch 2, Las Pinas City.
Nasamsam sa suspek ang transparent plastic na naglalaman ng 5 kilos ng shabu worth P34m
Nasamsam naman sa dalawang suspek na High Value Indviduals (HVI) ang tinata-yang nasa humigit kumulang P21 milyon ng mga iligal na droga sa Barangay Guis-Guis ng Talon, Sariaya, Quezon nitong Sabado.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Chan-Chan”, 26, courier ng online deliivery app company; at si alyas “Michael”, 29, isang barista na parehong residente sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon.
Narekober sa mga suspek ang karagdagang 4 plastic sachet ng shabu na 1,025 grams na nagkakahalaga ng P20,910.000.
At sa Cordillera Region, nasamsam ang P6.3 milyong halaga ng shabu at marijuana, 3 tatlong drug pushers ang nasakote.
Sa report ni Brig. Gen. David Peredo Jr., Cordillera Police Regional Chief, 17 plantasyon ng marijuana ang sinalakay kamakailan sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Tacadang, Palina at Kibu-ngan gayundin sa Brgy. Kayaa, Bakun, Benguet kungsaan nasamsam ang 15,770 puno ng marijuana; 7,000 gramo ng pinatuyong marijuana stalks na nagkakahalaga ng P 3.9 milyon.
Sumunod namang ni-raid ng Cordillera Police ang da-lawa pang plantasyon ng ma-rijuana sa Brgy. Loccong at Buscalan sa Tinglayan kungsaan nasamsam ang 11, 500 puno ng marijuana na tinata-yang nagkakahalaga ng P2.3 milyon.
Samantala, tatlong drug pushers ang nasakote sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Baguio City at Mankayan, Benguet kamakailan. Pansamantalang hindi tinukoy ang pangalan ng mga suspek habang patuloy na isinasai-lalim sa masusing imbestigasyon.
Nakumpiska mula sa mga ito ang ilang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P47,000.00. (Koi Laura/Mark Obleada)