Advertisers
Lumagda si Cebu Chamber of Commerce and Industry President Jay Yap Yuvallos ng Pledge of Commitment sa F1KD Eagles Program “Tutok Kainan” para sa mga buntis na kababaihan, nagpapaasusong ina at mga bata na nasa sinapupunan pa hanggang taong gulang sa Cebu City, na proyekto sa ilalim ng First 1,000 days of a Child ng National Nutrition Council (NNC) kaugnay sa Repulic Act No. 11148, na kilala bilang “Magna-nanay” Act. Kasama niya ang Pambansang Pangulo ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles (TFOE – PE) na si Ronald F. Delos Santos, na nagpasimuno para maging flagship project ng Eagles bilang ‘force multiplier’ ng pambansang pamahalaan sa panahon ng kalamidad at krisis.