Advertisers
Kulong ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping nang maaresto sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na nakita sa Brgy. Dalandanan ang 29-anyos na akusado na residente ng Bulacan.
Nadakip ang suspek ng mga tauhan ng SS6 ang akusado 9:30 ng umaga sa 3S Dalandanan, Barangay Dalandanan.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City na may petsang November 11, 2024, para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883) Carnapping.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.(Beth Samson)