Advertisers

Advertisers

Police captain, 2 tulak sugatan sa barilan sa drug ops

0 12

Advertisers

Sugatan ang dalawang tulak ng  illegal na droga, nang makipagbatilan sa mga tauhan ng  PNP Anti-Drug Operation na ikinasugat rin ng isang opisyal ng PNP sa Brgy. Pandayan sa siyudad ng Meycauayan, nitong Linggo, Nobyembre 17 2024.

Sa report na tinanggap ni Bulacan PNP Provincial Director PCol. Satur Ediong, kinilala ang mga nasugatan na sina PCpt.Jocel Calvario chief Intel ng Drug Enforcement Unit; suspek na sina alyas Dan at alyas Analyn.



Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis nagsasagawa ng surveillance ang mga otoridad sa lugar ng bigla na lamang magpaputok ng baril ang isa sa mga suspek na papatakas na sa lugar lulan ng isang kotse, na naging dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba ng PNP.

Nakuha mula sa dalawa ang 800 gramo ng shabu  na nagkakahalaga ng Php.5,440,000.00 at isang  Automatic 9MM Rifle (Uzi) na may 2 banana type na magazine na puno ng bala.

Samantala, agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga suspek at pulis na kapwa nasa ligtas ng kalagayan.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">