Advertisers
Patay ang apat na katao, kabilang ang 4-anyos na bata, nang salpukin ng 16-wheeler truck na may kargang bigas ang tatlong motorsiklo sa Barangay Ugong, Pasig City nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 17.
Ayon sa ulat, nabangga ng truck ang mga motosiklo sa
harapan habang binabagtas ang eastbound lane ng Lanuza Avenue corner Ortigas Avenue 4:30 ng madaling-araw.
Sa lakas ng impact, bumaligtad ang truck na nagdulot ng pagtapon ng sako-sakong bigas at pagkadagan ng mga motorsiklo.
Agad rumesponde ang mga awtoridad at nasagip ang mga biktimang naipit sa ilalim ng mga sako.
Inaalam pa ang pagkakakilalan ng mga nasawing biktima.
Nasa kustodiya na ng Pasig Police ang truck driver, na sinabing nawalan ng preno, at pumihit ito nang husto pakanan, dahilan para mabangga niya ang mga motorsiklo bago tumaob.
Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, multiple serious injuries at multiple damage to property.