Advertisers
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 37 na mga Chinese national na nagtatrabaho sa isang construction site sa Cotabato City sa Mindanao.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga Chinese national, nakitang nagtatrabaho sa isang construction sa isang mall sa Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inaresto ang mga chinese national sa bisa ng mission order na inisyu ni Viado nang nakatanggap ng impormasyon mula sa government intelligence sources na ang itinatayong construction building mga dayuhan ang nagtatrabaho.
Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines, the National Bureau of Investigation, at Philippine Army.
Karamihan sa mga naresto may working visa subalit’ nakapetisyon ito na isang paglabg habang ang iba may tourist visa.
Nagbabala si Viado sa mga dayuhan na nagtatangkang magtrabaho sa bansa na walang visa o permits.
Lahat ng 37 na mga dayuhan mahaharap sa deportasyon at mananatili sa kustodiya ng BI habang inaayos ang kanilang deportasyon.(Jocelyn Domenden)