Advertisers
NAUWI sa trahedya ang masayang family outing nang malunod ang isang miyembro ng pamilya habang namimingwit ito sa Batac City, Ilocos Norte noong Sabado.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa isang fishpond sa Barangay Sumader, Batac City, Ilocos Norte 12:00 ng tanghali.
Namimingwit umano ang 37-anyos na mechanical engineer nang aksidente umanong sumabit ang kanyang fishing rod.
Kinuha umano ito ng biktima pero napunta siya sa malalim na bahagi ng fish pond at hindi na nakaahon.
Nang matagpuan ng mga rescue team, agad itong isinugod sa ospital pero hindi rin siya nakaligtas.