Advertisers
Nasawi ang 48-amyos na lalaki nang pagbabarilin ng 18-anyos na binatilyo nang magtalo habang naglalaro ng “scatter” na isang “online game” sa Zambaonga City, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Renante Paradero, 45, ng Brgy .Kinasang-an, Cebu City. Samantala nakilala ang nadakip na salarin na si Michael Edrade, 18, ng nasabing rin Brgy.
Sa report, ala-1:00 ng madaling araw ng maganap ang pamamaril sa Sitio Paradise II, Brgy. Kinasang-an Cebu City.
Nabatid na kapwa naglalaro ng scatter “online game” nang magtalo ang dalawa hanggang sa magkapikunan ang mga ito.
Agad na bumunot ng baril ang salarin at pinagbabaril ang biktima sa ibat’-ibang bahagi ng katawan na ikinasawi noong din at mabilis na tumakas ang una.
Nadakip naman ng mga otoridad ang salarin sa isinagawang follow-up operation.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.(Mark Obleada)