Advertisers

Advertisers

P29.9m shabu nasamsam sa Zambo

0 17

Advertisers




Nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug pusher ang P29.9 million shabu sa isinagawang buy bust operation sa Zambaonga City nitong lunes ng umaga.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ashraf Kayzar Ikbala y Julkarim a.k.a “bhar/Ak, 40-anyos, ng Aurora Village, Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Ayon kay Dir Laurefel P. Gabales, PDEA Spokesperson, 11:05 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng PDEA Zamboanga City Office, Regional Drug Enforcement Unit at NISG-Western Mindanao sa Palawan Zone II, Brgy. Divisoria, Zambaonga City.

Nasamsam ang 4,400 grams o 4.4 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P29,920,000, bundle ng boodle money na P1,000 buy bust money.

Nasa kustodiya ang suspek ng PDEA Zambaonga City na sumasailalim sa imbestigasyon at proper documentation habang ang mga nasamsam na mga iligal na droga isasailalim sa pagsusuri.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of RA 9165. (Mark Obleada)