Advertisers
Nangangamba at umiiyak na si Mayora Honey Lacuna at iba pang kalabang politiko ni Yorme Isko sa Maynila: Paano nila pakukupasin ang karisma ni Kois na sa bawat araw na palapit na ang eleksiyon ay lalong tumitibay at lumalakas sa puso ng Manilenyo.
Ang masakit, kahit pa gaano ang paninira at intriga politika na ibinabato kay Kois, hindi na tinatanggap ng mga Batang Maynila.
Mahal nila si Yorme, at nakikita nila rito ang “katubusan” sa tila naghihingalong ekonomya ng Maynila.
Ito ang paniniwala ng botanteng Manilenyo kaya ngayon pa lang, nais nilang hatakin ang mga araw upang agad na sumapit ang Mayo 12, 2025 upang isulat sa balota ang pagbabago sa liderato ng cityhall ng Maynila.
Manila, God First! (BP)