Advertisers

Advertisers

AWOL na parak sabit sa pagpatay sa barangay kapitan

0 21

Advertisers

Malaki na ang posibilidad na makilala ang nasa likod ng pagpaslang kay Brgy. Capt. Mark Vic C. Pascual ng Don Mariano Marcos, Jaen, Nueva Ecija noong Nob.13 ng madaling araw.

Nang matunton ang kinaroroonan ng ginamit na kotse ng mga salarin sa Brgy. Nayapyap Norte, Cabanatuan City noong Lunes ng gabi.

Ayon kay PCol. Ferdinand Germino, Nueva Ecija police director, mula sa mga nakalap na pinagdugtong dugtong na CCTV footages mula Jaen hanggang Cabanatuan humantong sa kinaroroonan ng kulay abuhing kotseng ginamit sa pagpatay sa 41-anyos na kapitan.



Nang aplayan ng search warrant, nabatid na tinutuluyan ang lugar ng isang AWOL na pulis at nakarekober ng isang caliber 45, mga bala, granada at shabu sa kotseng may plakang NDX 4667.

Isasailalim sa ballistic test ang nakumpiskang baril at kaukulang imbestigasyon, ang hindi pa pinangalanang dating pulis.

Naglaan ng pabuyang P300,000 sina 4th dist. Former Rep. Maricel Natividad-Nagaño at Jaen Mayor Sylvia Austria.

Nabatid na ngayong araw, Nob. 20 ay ihahatid na sa huling hantungan si Kapitan Pascual.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">