Advertisers
Ni CRIS A. IBON
HINILING ng mga civic anti-crime and drug crusader kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Major General Nicolas Torre III, na busisiin ang ulat hinggil sa pangongolekta ng pondo para sa political propaganda at iba pang uri ng election fund ng ilang malalaking pulitiko sa Batangas upang matiyak ang kanilang panalo sa darating na May 2025 election.
Iniulat ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na kabilang sa mga pulitikong tinukoy na ipinangingilak ng pondo mula sa mga ilegalistang Small Town Lottery (STL) bookies con jueteng operator ay mga lokal na kandidato sa siyudad ng Tanauan, mga bayan ng Padre Garcia, Lemery, Lian, Nasugbu, Balayan, Agoncillo, Calatagan, Sta. Teresita, San Nicolas, Mataas na Kahoy, Calaca, Lian, Tuy, Taal, San Jose, Malvar, Laurel, Ibaan, Balete at iba pa.
Halos lahat ay mga re-eleksyonitang kandidato ang napaulat na nanghihingi ng payola upang gamitin sa kanilang maaga at palihim na pangangampanya.
Ang pokus ng mga tusong pulitiko ay mabigyan ng paunang “pakimkim” ang maraming barangay official, mga civic leader, mga non-governmental association, farmer cooperative group, samahan ng mga senior citizen, women’s organisation at iba pang samahang may malaking bilang na botante.
Isang alyas “Elnice”, ang kinikilalang Batangas “STL Bookies Queen” at matunog din ang pangalan sa kalakalan ng droga, ang tumatayong kolektor ng multi-milyon na election fund para sa piling mga incumbent mayor, vice-mayor at mga konsehal.
Si Elnice, operator din ng STL bookies sa Tanauan City, na nagpapakilalang pangulo ng isang malaking samahan ng mga Batangueño ay may mga rebisahan ng taya sa STL bookies sa mga barangay ng Santor, Sampiro, Pantay na Bata, Pantay na Matanda, at iba pang barangays sa siyudad ni Tanauan Mayor Sonny Collantes.
Si Collantes ay isa sa mga lokal na ehekutibo na napapabalitang ipinanghihingi ni Elnice ng election fund at ng P1.5 million ‘weekly intelhencia?’
Si Elnice at ang drug pusher ding isang alyas “Ocampo” na may pa-bookies o jueteng sa Brgy. Bagbag at nagpapatakbo rin ng mga saklaan ay tulad din ni Elnice na lider ng may 35 iba pang bookies o jueteng con drug operator sa Tanauan City.
Bukod kina Elnice at Ocampo, ang iba pang malalaking bookies/drug maintainer sa naturang siyudad ay sina alyas Dimapilis, Ablao, Baduy, Cristy, Gerry, Kon. Burgos, Rodel, Lito, Montilla, Lawin, Anabel, Lilian at Donna na tila libre ang illegal gambling operations kina Batangas PNP Director Colonel Jacinto “Jack” Malinao Jr., at Tanauan City Police chief LtCol. Virgilio M. Jopia.
Kabilang din sa ipinasisilip kay Gen. Torre III, na posibleng ipinangongolekta din nina Elnice, Ocampo at kasabwat nitong sina alyas Tisoy at Nonit, sa mga ilegalistang vice operators ng pondo para sa paparating na halalan ay ang mag-asawang Mayora Celsa Braga-Rivera at gubernatorial candidate Michael Rivera ng Padre Garcia.
Alipores naman nina Elnice at Ocampo sa pangongolekta para kay Balayan Mayor JR Fronda sina Noche at alyas Kap. Ogie na operator ng tupada at mga saklaan sa naturang bayan; Taal Mayoral Candidate Mercado; Lemery Mayor Kenneth Ian Alilio; Laurel Mayor Lyndon Broce; San Luis Mayor Oscarlito Hernandez; Balete Mayor Wilson Maralit; Malvar Mayor Crestita Reyes; Lian Mayor Joseph Piji; Ibaan Mayor Joy Salvame; Nasugbu Mayor Jose Antonio Barcelon; San Jose mayoral candidate Patron; Calaca Mayor Naz Ona at iba pang lokal na opisyales.
Ang mga naturang alkalde ay pinaghihinalaang kasali sa mahabang listahan ng protector/coddler ng operasyon ng illegal vices sa dahilang hindi maipatigil ng mga ito ang operasyon ng bawal na sugal, na liban sa STL bookies ay nag-o-operate sa kanilang hurisdiksyon kasama na ang pergalan (peryahan na pulos sugalan), saklaan at illegal cockpit o tupadahan.
Ang talamak na operasyon ng STL bookies at iba pang uri ng labag sa batas na sugal ay masusing siniyasat na sa Kongreso kamakailan, kungsaan nabunyag na ang Batangas ay isa sa mga lalawigan na may pinakatalamak na illegal gambling operation, sa hinalang nakikipagkutsabahan din ang ilang PNP provincial director at nakararaming hepe ng pulisya ng mga ito.
Ayon sa takbo ng mga huling kaganapan, sinabi ng MKKB na ang Batangas na ang No.1 sa may pinakamalaganap na suliranin sa labag sa batas na operasyon ng STL bookies, pagkat halos lahat ng STL bookies operator ay parang legal na mag-operate ng kanilang mga iligal na hanapbuhay.
Idagdag pa rito ang halos lahat na STL bookies maintainers ay nagpapanggap na may hawak na Authorized Agents Corporation (AAC) permit, dahilan upang magbulag-bulagan ang mga kasapakat na opisyales at miyembro ng pulisya at iba pang law enforcement officer.
Sa bisa ng AAC ay tanging lehitimong korporasyon na rehistrado sa Securities and Exchange (SEC ) lamang, may initial capitalization na P25m at halos ay may 20 iba pang rekisitos na aprubado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang naiisyuhan ng permit upang mag-operate.