Advertisers
Matapos paghandaan ang pagtugon sa sunod-sunod na bagyo, pinaghahandaan naman ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig Gen. Jean Fajardo, ipatutupad na nila ang no day off policy simula Disyembre 15 hanggang Enero 12 ng susunod na taon.
Kasunod nito, sinabi ni Fajardo na bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang pwersa dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga istratehikong lugar gaya ng mga paliparan, pantalan, simbahan, malls, pasyalan at iba pa.
Sa panahon ding ito, ayon pa kay Fajardo, itataas ng PNP ang heightened alert status para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahong ito.
Batay sa datos ng PNP, bumaba ng mahigit 21% ang mga naitalang krimen sa bansa buhat nang magsimula ang ber months ngayong taon mula sa mahigit 25% sa kaparehong panahon noong isang taon.