Advertisers
Nailigtas ng mga awtoridad ang 14 na kababaihan, apat sa mga ito mga menor de edad, mula sa dalawang KTV bar na nag-aalok ng ‘extra service’.
Sinabi ni Antipolo City Mayor Jun Ynares na nakatanggap ang National Bureau of Investigation (NBI) Rizal District Office ng ulat hinggil sa mga nagpapatakbo ng dalawang KTV bar sa Sitio Cabadang sa Brgy. San Jose, na nag-aalok ng sexual services o ‘extra service’.
Natuklasan ng mga undercover agent ng NBI, na nagpanggap bilang mga customer, ang ‘extra service’ na inaalok sa halagang P3,500 ng mga babaeng empleyado ng KTV bar kabilang ang apat na menor de edad.
Samantala, ayon sa alkalde, naghain na ng Notice of Violation (NOV) ang pamahalaang lungsod sa dalawang establisyimento para hindi na muling makapag-operate ang mga ito.