Advertisers
Patay sa pitong tama ng bala ang isang lalaki nang pagbabaril ng isang armadong sakay ng motorsiklo sa General Santos City, Miyerkules ng gabi, November 20, 2024.
Kinilala ang biktima na si Akmad Usman, residente ng General Santos City.
Sa ulat, naganap ang pagpatay kay Usman sa gilid ng isang bahagi ng Lapu-Lapu Street sa Barangay Dadiangas East sa General Santos City sa Region 12.
Ayon sa report, miyembro ng isang legal na gun club ang biktima sa General Santos City at nagsisilbing range officer sa mga shooting range tuwing may mga shooting competitions sa lungsod.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng General Santos City Police Office kung sino ang pumatay kay Usman at kung ano ang motibo sa naturang krimen.