Advertisers
Nasawi ang isang pasahero at sugatan ang driver at isa pa nang mahulog sa bangin ang Isuzu Elf truck sa Brgy. Valenciano, Banna, Ilocos Sur nitong Miyerkoles, Nobyembre 20.
Ayon sa ulat, minamaneho ang naturang truck ng 43-anyos na lalaki, may asawa, residente ng Dingras, Ilocos Norte.
Kasama ng driver na nakasakay sa naturang truck ang mga limang pasahero nitong lalaki na edad 29, 24, 33, 31, at 21 na pawang mga residente rin ng Dingras, Ilocos Norte.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang naturang truck patungong silangang direksyon sa Banna-Batac Road sa Sitio Payao sa naturang lugar.
Pagsapit nito sa palikong bahagi ng kalsada ay hindi gumana ang preno nito sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan.
Agad na isinugod sa ospital ng mga retrieval team ang driver at ang limang pasahero nito na pare-parehong nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.
Idineklarang dead-on-arrival ang 21-anyos na pasahero ng umatending doktor.