Advertisers
KULONG ang isang babaeng listed drug pusher nang makuhanan ng baril at P90K halaga ng shabu nang maaresto, kasama ang kanyang parokyano sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Sa report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na si alyas “Miling”, 20; at alyas “Jayson”, 31, scavenger, kapwa ng residente ng Brgy. Longos.
Naaresto ang mga suspek 11:10 ng gabi sa Valdez St., Extension, Brgy. Catmon.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13.25 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P90,100.00, isang motorsiklo, at P500 buy bust money habang ang isang caliber .38 revolver na kargado ng tatlong bala nakuha kay ‘Miling’.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong paglabag sa RA 10591 ang kakaharapin ni alyas Miling.(Beth Samson)