Advertisers

Advertisers

2 KAWATAN NG COPPER CABLE ‘NALAMBAT’ NG MGA PULIS SA TAGUIG

0 26

Advertisers

DALAWANG lalake na umano’y kilabot na magnanakaw o ‘kawatan’ ng mga tansong cable wire ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahuli ang mga ito sa aktong bitbit ang mga ninakaw na kable sa isang manhole sa kahabaan ng MLQ Avenue, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District ( SPD ) Director, Brigadier General Bernard R Yang, mula sa tanggapan ng Taguig Police Station, nakilala ang dalawang suspek na sina alyas Edwin,56 at Emerson,37, pawang naninirahan sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang pagdakip sa dalawang magnanakaw ng kable noong Huwebes ng madaling araw (Nobyembre 21) ay base na rin sa salaysay ng isang roving security guard kung saan ay namataan ang dalawang hindi kilalang lalaki na humihila ng kable mula sa underground cable na pag-aari ng isang telecom company. Nahuli sa akto ang mga suspek at naaresto.



Ang mga na-recover na item mula sa pinangyarihan ay isang putol na pangunahing FSF underground copper cable, sukat na 900 pares x 26 gauge approx. 30 metro ang haba na nagkakahalaga ng ?121,845.86; one cut primary FSF underground copper cable, laki 600 pairs x 26 gauge approx. 29 metro ang haba na nagkakahalaga ng ?98,800.81; one cut primary FSF underground copper cable, laki 600 pairs x 26 gauge approx. 5 metro ang haba na nagkakahalaga ng ?84,776.65; one cut primary FSF underground copper cable, laki 600 pairs x 26 gauge approx. 3 metro ang haba na nagkakahalaga ng ?83,607.97, isang improvised hacksaw, isang pares ng cutter, at isang e-bike.

Ang ninakaw na tansong kable ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P389,031.29.

Ang mga suspek ay nahaharap sa mga reklamo para sa Pagnanakaw sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code, at para sa paglabag sa Section 4, paragraph (d) ng Republic Act 10515, na kilala rin bilang Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013. (JOJO SADIWA)